Pages

Wednesday, November 9, 2011

Paano Umiwas sa Madaling Pagkahulog?

Ang mga tao,madaling mahulog,o ma-inlab.Araw-araw ay nakakasalamuha natin ang ibat-ibang klase ng pagakatao at minsan nahihirapan tayong umiwas na mahulog ang damadamin natin sa mga taong palagi nating nakakaharap.Hindi masama ang mahulog ang loob sa isang tao at magmahal.Maraming magagandang bagay ang idinudulot nito sa atin.At meron ding hindi maganda.Katulad ng mabigo at masaktan.
At kapag nasaktan na saka sasabihin sa sarili na "hindi na ako magmamahal pang muli".

Pero may mga paraan ba?

Merong mga paraan,katulad ng mga ito.

  • Iwasan ang madalas na eye to eye contact.Minsan nami-missinterprete ng iba na kapag lagi kang nakatingin sa kanya ay may gusto ka na sa kanya kaya makikipagmabutihan na ito sa iyo hangang sa mauwi na kayo sa pagiging magnobyo o  magnobya.O kung dati  kayong magkasintahan,iisipin niyang gusto mo pa rin siya.
  • Isipin mo ang dahilan kung bakit ka nasaktan.Kung gaano kasakit ang nangyari sa iyo para iwasan mong umibig muli.Kung talagang hindi mo maiwasan ang magmahal muli pagkatapos ng mga nangyari,sundan mo ang mga pinagdaanan mo at itama kung anong mga naging mali kaya hindi ka naging matagumpay sa nauna mong pag-ibig.
  • Bago mo isiping mahal mo na ang isang tao tanungin at pakiramdaman mo muna ang sarili mo kung talagang ganung klase ng pagmamahal ang hinahanap mo.Baka nangungulila ka lang sa pamilya mo o kaya kaibigan lang  talaga ang hinahanap mo.
  • Kung nagsismula ka nang magkagusto sa isang tao,mag-imagine ka kung anong kahihinatnan mo kung magiging mag-asawa kayo.Magiging responsable ba siyang asawa?Wala ba siyang mga masasamamg bisyo?May masamang rekord na ba siya?Madali ba ng pakisamahan ang kanyang pamilya?Masyado ngang mabilis isipin na pag-aasawa agad ang isipin mo na kapupuntahan ng relasyon ninyo,pero mas madalas doon ang bagsak ng mga magkarelasyon kaya maaga pa lang isispin mo na.Mas madali mong maiiwasang mahulog kung maraming negatibo ang makikita mo sa kanya.
  • Kung iniiwasan mong huwag muling mahulog sa dating kasintahan iwasan mong magkasama kayo nang madalas at magsolo.Palaging nandiyan ang tukso.Mas matamis daw ang pag-ibig sa pangalawang pagkakataon.At mas masakit kung masaktan ka sa pangalawang pagkakataon.
  • Tawagin mong kaibigan o tropa ang dating karelasyon.Makakatulong ito upang isipin ng kabilang panig na hindi ka apektado sa mga nagyari at handa kang magsimula muli at hindi ka na muli pang mahuhulog sa kanya.
  • Bawas-bawasan ang pagpapa-load lalo na kung hindi mo mapigilan ang sarili mong magreply sa mga nagte-text sa 'yo.
  • Gawin mong misyon ang pag-iwas.Isama ito sa mga patakaran sa buhay.Kung handa ka na saka mo payagan ang sariling magmahal muli.
  • Mahalin mo ang iyong sarili.Higit kanino pa man walang magmamahal sa iyo ng katulad sa pagmamahal mo sa sarili mo.Dahil kung hindi mo kayang mahalin ang sarili mo hindi ka rin kayang mahalin ng ibang tao at paulit-ulit ka lang na masasaktan.

1 comment: